Sunday, January 24, 2010

Pagsasalaysay

"Kabang'di ko maipaliwanag"

Kitang-kita sa aming mga mukha ang kasiyahan sa mga oras na iyon. Kami ay tila mga survivors ng isang aksidente na pagkatapos ng pangyayari ay nakakita ng liwanag at bagong pag-asa. Subalit meron namang iba sa amin na kung humagulhol ay tila daig pa ang nawalan ng mahal sa buhay. Kung ikaw ay isa sa amin, tiyak mararamdaman mo rin ang mga nararamdaman namin. Naniniwala kami na ang tumanggap ng grado ay parang isang paghuhukom na sa ayaw mo at sa hindi ay kailangan mong malaman ang resulta ng iyong pinagpaguran kung naipasa mo ba ang iyong sabdyek. Una naming pinuntahan ang aming Chemistry Professor na si Ma'am Jala. Habang hinahakbang ko ang aking mga paa patungo sa faculty room, ay dinig ko din ang mga nagsasalpukang kaba ng aking dibdib na tila gustong tila gustong sumabog. Kaya nang binigay na pabalik sa amin ang aming handbook, huminga ako ng malalim at hinay-hinay kong tiningnan ito.Napawi talaga ang naghihikaos kong hininga nang makita kong pumasa ako. Yehey! Hindi ko na talaga nabilang kung pang-ilang beses na ako nagpasalamat sa Panginoon. Nadama ko ang sobrang kasiyahan. Subalit ng makita ko ang aking ibang mga kaklase na tila namumutla at nagsisimulang tumulo ang luha, wari yata'y nadala ako sa kanilang emosyon. Naiiintindihan ko sila. Alam ko ang pakiramdam na ang iba sa kanila ay hindi inaasahan ang nangyaring pagkakabagsak. Alam ko na gaya ko, nagsikap at nagpakapagod din silang mag-aral ng buong gabi dahil magkakaroon ng pagsusulit sa Chemistry kinabukasan. Pero ganyan talaga ang buhay. Minsan kailangan mo talagang tanggapin ang masakit na katotohanan kahit labag mo sa kalooban ito. Sa ngayon, sabay kaming nagsikap ng aking mga kaklase. Misyon namin na sana wala nang babagsak pa.

Paglalahad

"Sino ba ang dapat Sisihin"

Malaking porsento ng populasyon ng USEP ang bumabagsak tuwing katapusan ng semestre. Ang iba sa kanila ay hindi na nagpapatuloy ng pag-aaral at yung iba naman balik pasok ulit ngunit bagsak parin sa kahulihan. Ano nga ba ang posibleng dahilan ng pagkakabagsak nila? Sino ba ang dapat sisishin? Sila na mga iresponsableng estudyante, o ang mga gurong napahirap magturo?Laganap na ngayon lalo na sa mga kabataan ang sumisikat na mga internet online games. "Dota, Fish Bill, Counter Strike at Fih Bill", ilan lamang ito sa mga games na nagpapaadik sa mga kabataan. Ang malala pa nito ay mas malaki ang porsento ng mga kabataan ng nag-aaral kaysa sa mga out-of-school youth ang napapabilang dito. Ang nangyayari ay imbes na maglublublob sa pag-aaral ang mga estudyante, ang ginagawa nila ay nagsusunog s'ya ng kilay sa kakapindot ng keyboard ng kompyuter. Ano na ang isasagot nila sa darating na pagsusulit? Wala! At tuwing bumabagsak sila, ang rason nila ay dahil nosebleed umano ang Trigonometry. Eh, ayaw lang nilang tanggapin sa mga sarili nila na kasalanan mismo nila ang pagkakabagsak nila. Kaya kapag wala na silang iba pang makitang rason, sinisisi na lamang nila ang kanilang mga professor na talo pa umano ang mga baliw na 'di nila naiiintindihan kapag nagdidiscuss sa klase. Masasabi ko na mababaw sila na mga tao. Kung hihintayin pa nila ang araw na hindi na magiging baliw ang kanilang mga guro, tiyak kukulubot na lang ang kanilang mga balat, puputi ang buhok at hindi pa rin sila makakagraduate sa USEP.

Pangangatwiran

"Bagsik ng mga gurong Usepian"

Noon pa man pangarap ko na talaga ang makapag-aral sa USEP. Alam ko, na kapag dito ako nag-aral, magkakaroon ako ng magandang kinabukasan. Maliban kasi sa mura lang ang tuition na 200 pesos per unit dito, malaki ang aking paniniwala na ang USEP ay may mataas at dekalidad na antas ng edukasyon . Ito ay sa kadahilanang ang USEP kasi ay may mga gurong magagaling sa kanilang sariling larangan. Sa katunayan bago pa sila nagturo sa pamantasan ng USEP, sinigurado muna na mayroon silang mga excellent qualifications. Halimbawa ay ang pagkakaroon Masteral's Degree at ang pagtatapos ng may mataas na gantimpala o comlaude sa kanilang naturang paaaralan. O kung wala naman sa mga nasabi ay tunay lang talalang sa isang tingin mo po pa lang sa kanya, ay masasabi mo nang kakaiba siya. Ang pagkakaroon ng USEP ng dekalidad na edukasyon ay halatang makikita naman sa resulta ng 2009 Board Examination na kung saan marami ang pumasang USEP examiner lalo na sa Mechanical Engineering Department. Sa katunayan pa nga, ayon sa na interview kong estudyante ng ME, napakahirap daw'ng ipasa ang kanyang kurso dahil sa sobrang nosebleed magturo ang kanilang mga professors. Ayon din naman sa sagot ng nainterview kong guro ng ME, talagang stratetiha lamang nila iyon para talagang mahasa ang kanilang mga estudyante.

Paglalarawan

"Wala Kayo nito"

Ano ba ang kaibahan ng USEP sa Ateneo kung facilidad pang-eskwela ang pag-uusapan? Kung sa facilidad lang, tiyak wala ng tatalo pa sa USEP. Kung ang Ateneo ay may gusaling malabrilyante at kumikinang, ang USEP naman ay may mga silid-aralang butas-butas ang dingding, silyang sira-sira at lubak-lubak na pisara, at kung minsan pa ay nagkukulang ang mga silid na pagdadausan ng klase. Idagdag mo pa sa listahan ang di mo maipaliwanag na init ng hangin kapag sumasapit ang tanghali. Oppz! Muntik ko ng makalimutan, 200.oo pesos lang pala ang binabayaran kong tuition saa USEP kumpara sa 42 000 pesos na buong school year ng Ateneo. Siguro nga bagay lang sa akin ang magkaroon ng ganito kalow-standard na mga facilidad pang-eskwela. Pero kahit ganoon, kahit minsan ako'y naiihi at nawawalan ng gana ng makita ko ang mga lumulutang na submarines ng toilet bowl, pinipilit ko din naman na imbes na pagtuunan ng pansin ang mga kakulangan ng gobyerno, ginagawa ko na lang ang aking mga makakaya ng sa ganoon ako'y maging good-looking din naman inside and out gaya ng mga Atenista. Pero sa kabuuan, hindi naman ganyan kababa ang aking loob at kamangmang ang aking isip para kaawaan ang aking sarili. Naniniwala ako na hindi handlang ang kawalan para hindi ko makamit ang aking mga mithiin sa buhay.